Linya ng Wika
May katanungan ba kayo tungkol sa isang programa o serbisyo ng Metro? Tumawag sa 503-797-1890 (8 a.m. hanggang 5 p.m. sa mga karaniwang araw) at sabihin ang wika na sinasalita ninyo.
Maligayang paggamit ng Metro
Ang Metro ay naglilingkod sa higit sa 1.5 milyon na tao na naninirahan sa kanilang tahanan sa 24 lunsod sa rehiyon ng Portland, Oregon. Hiningi ng mga botante sa Metro na tumulong sa mga hamon at pagkakataon na tumatawid sa mga linya ng lunsod at county.
Paghubog sa hinaharap
Pinagsasama-sama ng Metro ang mga tao upang gumawa ng mga desisyon tungkol sa kung saan tayo magpapalaki, paano tayo makakarating sa gustong puntahan at ano ang mangyayari sa ating basura. Ang Metro ay pumapatnubay sa mga pamumuhunan sa mga trabaho, mga daan at paghahatid at nagtatrabaho upang protektahan ang mga bukid, mga gubat at malinis na hangin at tubig para sa mga susunod na henerasyon.
Mga panrehiyong serbisyo
Ang Metro ay may-ari at nagpapatakbo ng 16,000 akre ng mga parke at mga likas na lugar, ng Oregon Zoo, Portland’5 Centers for the Arts, Portland Expo Center at ng Oregon Convention Center. Dalawang istasyon ng muling paggamit at basura ang tumatanggap ng mga panapon, muling magagamit at mapanganib na basura mula sa mga residente at mga negosyo. Ang Metro ay nagkakaloob din ng mga kasangkapan para sa pag-araw-araw na pamumuhay, mula sa isang nakahandang linya sa muling paggamit hanggang sa isang mapa ng bisikleta patungo sa MetroPaint.