Ang pederal na batas ay nagbabawal ng anumang uri ng pananakot o pagganti para sa pagsasampa ng reklamo.
Anumang isyu na walang kaugnayan sa diskriminasyon dahil sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, edad, kapansanan o antas ng kita ay dadalhin sa angkop na kagawaran o ahensiya para lutasin.
Ang Tagapag-ugnay ng Metro sa Titulo VI ay gagawa ng bawat pagsisikap na lutasin ang reklamo. Ang Tagapag-ugnay sa Titulo VI ay magtatakda ng mga unang panayam sa mga taong kalahok upang alamin ang tulong na hiniling at upang talakayin ang mga mapipiling pakikipag-ayos. Ang Tagapag-ugnay sa Titulo VI ay maaaring magmungkahi ng di-pormal na pamamagitan sa anumang yugto ng proseso upang lutasin ang isyu.Ang pagsasampa ng reklamo sa Metro ay hindi uuwi sa pagbawi ng bayad-pinsala, pero magpapahintulot sa mga apektadong tao na talakayin ang anumang mga isyu at bumuo ng mga solusyon. Sa ilang kaso, ang isang ahensiya ng estado o pederal na ahensiya ay maaarng umako ng hurisdiksiyon na repasuhin o imbestigasyon ang mga bagay.
Mga mapipiling pagsasampa
Kahit na magsampa kayo ng reklamo sa Metro, may karapatan pa rin kayong magsampa ng pormal na reklamo sa ibang mga ahensiya ng pamahalaan at kumuha ng abugado upang katawanin kayo. Maaari kayong magsampa ng reklamong kaugnay ng Titulo VI sa:
- Tagapag-ugnay ng Metro sa Titulo VI
- Opisina ng mga Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Transportasyon ng Oregon
- Pederal na Pangasiwaan ng Haywey o Pederal na Pangasiwaan ng Paghahatid
- Kagawaran ng Transportasyon ng U.S.
- Kagawaran ng Hustisya ng U.S.
Mga pamamaraan ng Metro
Limitasyon sa panahon. Ang isang tao ay dapat magsampa ng reklamo nang hindi hihigit sa 180 araw ng kalendaryo pagkatapos ng alinman sa petsa ng ipinaparatang na ginawang diskriminasyon o o petsa kung kailan nalaman ng (mga) tao ang ipinaparatang na diskriminasyon.
Mga iniaatas sa reklamo. . Ang mga reklamo ay dapat na:
- nakasulat at pinirmahan o pinatibayan ng taong nagsasampa ng reklamo
- kasama ang petsa ng ipinaparatang na ginawang diskriminasyon (petsa nang malaman ng (mga) tao ang ipinaparatang na diskriminasyon, ang petsa kung kailan ang kilos na iyon ay pinutol, o ang petsa ng pinakahuling pagkakataon na ginawa ang diskriminasyon)
- nagbibigay ng detalyadong paglalarawan ng mga isyu, kabilang ang mga pangalan at mga titulo ng trabaho ng mga taong iyon na itinuturing na mga partido sa insidente.
Complaint submission. Submit via one of the following methods:
- porma sa web
- email sa [email protected]
- fax sa 503-797-1797
- koreo o paghahatid sa: Title VI Coordinator, Metro, 600 NE Grand Ave., Portland, OR 97232
- sa pamamagitan ng telepono sa 503-797-1890 | 503-797-1804 TDD
- nang personal sa 600 NE Grand Ave., Portland.
Ang mga reklamong ipinadadala sa pamamagitan ng email o fax ay gagamit ng petsa ng pagtanggap bilang petsa ng pagsasampa, pero ang isang kopya na may orihinal na pirma ay dapat ding matanggap upang masimulan ang pagproseso. Ang mga reklamong kinuha nang pabigkas, nang personal o sa pamamagitan ng telepono, ay gagamit ng petsa ng pagtanggap bilang petsa ng pagsasampa. Ang mga reklamo ay isusulat at ibibigay sa nagreklamo para sa pagbabago o kumpirmasyon at pirma o pagpapatibay bago ang pagproseso.
Pagpapawalang-saysay sa reklamo. Maaaring pawalang-saysay ng Tagapag-ugnay sa Titulo VI ang isang reklamo nang walang imbestigasyon kung:
- ang reklamo ay hindi isinampa sa loob ng 180-araw na limitasyon sa panahon
- ang reklamo ay iniurong
- ang nagreklamo ay nabigong magbigay ng kinakailangang impormasyon pagkatapos ng paulit-ulit na mga paghiling
- ang nagreklamo ay hindi kilala o ang taong nagsampa ng reklamo ay hindi matagpuan pagkatapos ng mga makatwirang pagtatangka.
Pagsusuri ng reklamo. Pagkatanggap sa reklamo, titiyakin ng Tagapag-ugnay sa Titulo VI na kasama sa reklamo ang lahat ng kailangang impormasyon, na ito ay napapanahon at nasa loob ng hurisdiksiyon ng Metro. Ang Tagapag-ugnay sa Titulo VI ay maaaring magsangguni ng mga reklamo laban sa Metro sa Opisina ng mga Karapatang Sibil ng Kagawaran ng Transportasyon ng Oregon. Susuriin ng Tagapag-ugnay sa Titulo VI ang isang reklamo upang malaman kung ito ay nagtataglay ng lahat ng kailangang impormasyon na iniaatas para sa pagtanggap, karaniwang sa loob ng 5 araw ng kalendaryo pagkatapos matanggap. Kung ang reklamo ay hindi kumpleto, makikipag-ugnayan ang Tagapag-ugnay sa Titulo VI sa taong nagsampa ng reklamo para sa karagdagang impormasyon. Ang taong nagsama ng reklamo ay bibigyan ng 10 araw ng kalendaryo upang sumagot sa hinihiling na karagdagang impormasyon.
Paunawa ng Imbestigasyon. Pagkatapos malaman na tatanggapin ng Metro ang reklamo para sa imbestigasyon, ang Tagapag-ugnay sa Titulo VI ay:
- magtatalaga ng numero ng kaso at itatala ang reklamo, ang basehan nito, ipinaparatang na pinsala at ang lahi, kulay, bansang pinagmulan, kapansanan, edad at kasarian, ng nagreklamo, gaya ng angkop
- magpapadala ng liham ng paunawa at porma ng pahintulot sa nagreklamo
- kung hindi Metro ang inireklamo, magpapadala ng liham ng paunawa sa tao, kompanya o ahensiyang iyon
- Ang inireklamo ay bibigyan ng 10 araw ng kalendaryo upang sumagot sa paratang sa paraang nakasulat.
- mag-iimbistiga sa reklamo sa pakikipag-ugnayan sa Opisina ng Abugado ng Metro at Punong Opisyal sa Pagpapatakbo ng Metro.
Resolusyon at paunawa. Ang Metro ay nagtatangkang kumpletuhin ang lahat ng imbestigiasyon sa reklamong kaugnay ng Titulo VI sa loob ng 60 araw ng kalendaryo pagkatapos matanggap ang reklamo. Pagkakumpleto ng imbestigasyon, ang Metro ay:
- magbibigay ng paunawa sa mga partido tungkol sa mga resulta ng imbestigasyon
- magsusumite ng panghuling ulat ng imbestigasyon at isang kopya ng reklamo sa Kagawaran ng Transportasyon ng Oregon, Pederal na Pangasiwaan ng Haywey o Pederal na Pangangasiwaan ng Paghahatid, gaya ng angkop.