Kayo ay karapat-dapat sa mga serbisyong pagsasalin ng wika at ibang mga kaluwagan na nagbibigay sa inyo ng kakayahang makalahok sa mga programa at mga desisyon ng Metro. Sumusunod ang Metro sa lahat ng pederal na batas laban sa diskriminasyon.
Mga serbisyong makukuha ng mga taong hindi sanay sa Ingles
Ang Metro ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga programa at mga serbisyo ng Metro sa wikang Arabiko, Tsino, Hmong, Japanese, Koreano, Mon-khmer Cambodian, Romanian, Ruso, Somali, Espanyol, Tagalog, Ukrainian, at Biyetnamis.
Makakasagot ang Metro sa inyong katanungan tungkol sa isang programa o serbisyo sa hanggang 180 wika. Tumawag sa 503-797-1890 at sabihin ang wikang sinasalita ninyo.
Kung kailangan ninyo ng interpreter ng wika sa isang pampublikong pulong, tumawag sa 503-797-1890 (8 a.m. hanggang 5 p.m. Lunes hanggang Biyernes) lima araw ng trabaho bago ang pulong upang mapagbigyan ang inyong kahilingan.
Kumuha ng karagdagang kaalaman
Kakayahang makagamit ng mga taong may kapansanan
Ang Metro ay nagkakaloob ng mga serbisyo o mga kaluwagan kapag hiniling ng mga taong may kapansanan at mga taong nangangailangan ng isang interpreter sa mga pampublikong pulong. Lahat ng pulong ng Metro ay ginaganap sa lugar na madadaanan ng silyang may gulong.
Kung kailangan ninyo ng isang interpreter ng senyas na wika o tulong sa komunikasyon, tumawag sa 503-797-1890 o TDD/TTY 503-797-1804 lima araw ng trabaho bago ang pangangailangan.
Ano ang dapat ninyong gawin kung kayo ay may reklamo?
Kung kayo ay naniniwala na kayo ay nakakaranas ng diskriminasyon, maaari ninyong gamitin ang inyong karapatang magsampa ng reklamo sa Metro. Ang bawat pagsisikap ay gagawin upang malutas ang mga reklamo.
Upang magsumite ng reklamo:
Anu-ano ang mga batas?
Ang pederal at pang-estadong mga batas at mga patakaran ng Metro ay tumitiyak na ang mga aktibidad ng ahensiya ay gumagalang at nagpoprotekta sa mga karapatang sibil ng lahat ng residente. Sa mga batas na ito ay kabilang ang:
- TTitulo VI ng Batas ng 1964 sa mga Karapatang Sibil ay pederal na batas na sumasaklaw sa mga programa at mga serbisyo na tumatanggap ng pederal na pera. Ito ay nagpapahayag na walang taong dapat tumanggap ng diskriminasyon o pagkaitan ng mga benepisyo batay sa lahi, kulay o bansang pinagmulan.
- Ang Ehekutibong Utos sa Hustisyang Pangkapaligiran ay nagtatagubilin sa mga ahensiya na tukuyin at tugunan ang di-angkop na mataas at masasamang epekto sa kalusugan ng tao at kapaligiran ng kanilang mga aktibidad sa mga minoryang populasyon at mga populasyon na maliit ang kita.
- Ang Batas sa mga Amerikanong May Kapansanan ay nagbabawal sa diskriminasyon batay sa kapansanan.
Ano ang kahulugan sa inyo ng Titulo VI?
Ang Titulo VI at mga kaugnay na batas ay nag-aatas na walang tao sa United States of America na dapat, dahil sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kapansanan, kasarian o edad, na pigilang lumahok sa, pagkaitan ng mga benepisyo ng, o isailalim sa diskriminasyon sa ilalim ng anumang programa o aktibidad na ang Metro ay tumatanggap ng pederal na pinansiyal na tulong.
Sa ilalim ng Titulo VI, kung kayo ay hindi sanay sa Ingles, kayo ay karapat-dapat sa tulong upang makuha ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Metro.
Iginagalang ng Metro ang mga karapatang sibil
Ganap na sumusunod ang Metro sa Title VI ng Civil Rights Act of 1964 na nag-aatas na walang sinuman ang maibubukod mula sa pakikilahok sa, tatanggihan ng mga benepisyo ng, o kung hindi man ay mapapailalim sa diskriminasyon batay sa lahi, kulay o pambansang pinagmulan sa ilalim ng anumang programa o aktibidad kung saan tumatanggap ang Metro ng pederal na pampinansyal na tulong.
Ganap na sumusunod ang Metro sa Title II ng Americans with Disabilities Act at Section 504 ng Rehabilitation Act na nag-aatas na walang kwalipikadong indibidwal na may kapansanan ang maibubukod mula sa pakikilahok sa, tatanggihan ng mga benepisyo ng, o mapapailalim sa diskriminasyon dahil lamang sa kanilang kapansanan sa ilalim ng anumang programa o aktibidad kung saan tumatanggap ang Metro ng pederal na pampinansyal na tulong.
Kung naniniwala kang nadiskrimina ka sa pagtanggap ng mga benepisyo o mga serbisyo dahil sa lahi, kulay, pambansang pinagmulan, kasarian, edad, kapansanan o antas ng kita, mayroon kang karapatang maghain ng isang reklamo sa Metro.
Kailangan ng mga komento
Ang Metro ay nakalaang maglingkod sa publiko nang may pinakamataas na antas ng integridad at paggalang. Kung kayo ay may mga komento o mungkahi tungkol sa kung paano mapapabuti ang dedikasyon ng Metro sa kawalan ng diskriminasyon sa mga serbisyo, o kung paano mas mahusay na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga taong hindi sanay sa Ingles o mga taong may kapansanan, gusto naming makarinig mula sa inyo. Mangyaring ipadala sa email ang inyong mga komento, kasama ang impormasyon tungkol sa matatawagan, sa [email protected].